Friday, March 02, 2007

blogging

Sabi ng isa kong kaibigan, hindi niya maintindihan kung paano ko pa nakukuhang magsulat ng blog sa dami ng ginagawa ko. Ba’t di na lang daw ako manood ng sine, o kaya magpamasahe kesa magsulat. Hindi daw ba ako nagsasawa, nagsusulat na ako para kumita, nagsusulat pa rin ako para mag-unwind.

Hindi.

Elementary pa lang nagsusulat na ako ng plays. At nung high school ako at madiskubre ko ang pagsusulat ng screenplay, linggo-linggo kong pinupuno ng screenplay ang isang buong notebook at pinapabasa ko sa classmates ko. Tapos every month magsu-survey ako kung alin sa mga sinulat ko ang pinakagusto nila. Kahit bakasyon walang takas sa akin ang classmates ko, gumagawa ako ng sarili kong gazette, at nag-iipon ako ng pambili ng selyo para isa-isa ko silang mapadalhan sa koreo (wala pang internet nun imagine). Syempre biktima din ang mga kasama ko sa bahay. Dahil may konti akong dunong sa pagdodrowing, mahilig akong gumawa ng komiks, kinukulayan ko ng watercolor, saka ko ibinebenta sa kapatid ko at sa mga tito at tita ko sa halagang piso. Isang beses, bumuo rin ako ng club, ang tawag ko writers shield, hindi guild, para idiin ang pangangailangan na magtulungan ang mga manunulat para protektahan ang mga karapatan nila. At 14 yo ako nun.

Ang pagsusulat sa akin, parang first love na hindi mamatay-matay. Kahit ayoko na, kahit pagod na ako, binabalik-balikan ko pa rin siya. Pinupuyat niya ako nang walang dahilan. Pinapabilis niya ang tibok ng puso ko. At minsan, minsan pag hindi maganda ang kinalalabasan ng mga sinusulat ko, nagdudulot din siya sa akin ng matinding kalungkutan.

Pag iniisip kong magsusulat ako ng blog, nae-excite ako. Kasi dito ako nakakapagsulat para sa sarili ko. Di gaya ng mga ginagawa ko para sa pelikula at telebisyon, ang una kong inaaliw pag nagsusulat ako ng blog ay ang sarili ko, hindi ang audience. Sa totoo lang, wala akong pakialam kung may babasa o hindi. Ewan ko nga kung bat may nagkaka-interes na magbasa eh panay kalokohan ang pinagsusulat ko. Kung hindi naman, panay tungkol sa akin. Syempre nakakatuwa pag may mga nagrereact. Pero kahit wala OK lang. Kasi sapat na sa akin ang magsulat.

Ke kumikita ako o hindi sa pagsusulat, susulat at susulat ako. Kasama na dito ang pagbablog. Gaya ngayon kagigising ko lang, walang laman ang tiyan ko, ito ang una kong inatupag kahit may occular ako mayamaya lang para sa isang pelikulang ididirek ko. Kasi kahit sa pagdidirek, mangingibabaw at mangingibaw ang pagiging manunulat ko. Para sa akin, kwento ang pinakaimportante. Kasi ano na lang ang halaga ng sine… o ng buhay… kung walang kwento?

10 comments:

pat said...

para ka palang si stephen king nung bata. negosyante by/at heart. kung naging bading lang si stephen king im sure, magci-click kayo.

JUN LANA said...

huwaw! stephen king! idol ko yan. kaflatter. tenk yu. although di bagay maging bading si stephen king, tapang ng mukha eh. baka pagkamalan siyang lesbiana. madunong talaga si lord. :D

trinity said...

kung yung ibang tao punta sa mall o nood sine para magrelaks ako punta lang ako sa site mo, pag nabasa ko blog mo feeling ko daig ko pa nagpa-spa kc masaya ako mulo ulo hanggang paa nakakatawa ka kc. curious lang, ano ba ang writing habits mo? tnk u

JUN LANA said...

uy tenk yu. trinity. kakaiba. pag naglabas ako ng libro, ilalagay ko yang sinabi mo tungkol sa pagsusulat ko: "daig ko pa ang nagpa-spa!". ang saya. ano bang writing habits ko... kung blog, kalat ako magsulat, walang focus. susulat ng 5 mins, tapos magsu surf sa internet, tapos babalik sa pagsusulat, tapos titingin kung may palabas sa tv, tapos babalik uli sa pagsusulat. pag may deadline, dun ko lang kinakarir magsulat minsan 24 hours diretso walang tulog. gaya ngayon may 2 akong tinatapos na screenplays kaya di ako makapag blog. kakainez. mas enjoy ako magblog sa totoo lang.

trinity said...

wow maglalabas ka ng libro, yipeeeee! sana matuloy, aabangan ko yan. sipag mo bilib ako sa yo. dami ko pa sana tanong sa yo kaso busy ka nxt time na lang. good luck sa movies mo.

cat said...

hello there, bloghopped here

sabi nga nila, ang mga bloggers magaling sa multi tasking:)kahit anong busy, ngkakaroon pa rin ng time sa pagblog

i link you up, hope you dont mind;)

jae said...

hi sir. chanced upon your blog. teacher kita nung 1997, sa creative writing 101 sa UP. binigyan mo ako ng uno. haha. i never forgot you (di lang dahil sa uno, pero dahil it was really one of my most favorite classes sa up.) tinago ko pa yung isang short story na ginawa ko na sinulatan mong "elegant". it meant that much to me. lawyer na ako ngayon (hahaha) pero di na ako nagsusulat (huhuhu). Buti na nga lang may blog -- because i will always be a writer-exhibitionist-whore at heart. :-)

ingat po. cheers.

jae

Zandy said...

I chanced upon a Blog of yours on a website and I got hooked! First time that I got interested reading blogs actually. And now I'm even thinking of creating my own, even just to release the stress, the angst of day-to-day routines...

Thanks Mr. Lana (ang pormal ko yata? hehehe) for opening the doors for me to get interested in "writing" anecdotes of my life... that's how in so far as my appreciation of the word "blogging" hahahaha.

Di pa naman siguro huli for a 46 y.o. guy to start on something new in his life! hahahaha

azura said...

hi poh...i really loved 2 read ur blog Mr. Jun Lana,i'm also love to write...1st time q nga po pla mbasa site nyo nkita q sa www.abante.com.ph then since morning until now tlgang bnabasa q,so i think isa na poh ito sa check q evryday 2 read...
meron poh kxe sumting special sa bwat entry nyo n d q maintindhan..
more power po!!!

=AZURA=
FR0M
=KL, Malaysia

Anonymous said...

I should email my girlfriend about your post.